Kelot pinaulanan ng bala habang nagsisipilyo

INAALAM ng awtoridad ang motibo sa ginawang pagpaslaang sa isang lalaki na pina-ulan ng bala hanbang nagsisipilyo Biyernes ng gabi, Hulyo 1, sa Pasay City.

Patay na nang idating  sa Ospital ng Maynila bunga ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Benjie Ogaya alyas “Dagul” nakatira sa No. 94-C M. Santos st., Pasay City.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Manolito Ong, dakong alas7:00 ng gabi habang ang biktima ay nagsisipilyo ng ngipin sa tapat ng bahay ng kanyang poster mother sa nabanggit na lugar nang dumating ang isang lalaki na nakasuot ng kulay itim na bonnet.

Nagtanong pa umano ang lalaki kung ang biktima ang hinahanap na may pangalang “Dagul” nang dumating naman ang kasama na naka-motorsiklo na nakasuot naman ng helmet.

Nang tumugon ang biktima na siya ang hinahanap na “Dagul” biglang bununot ng baril ang suspek na nasa likuran at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima.

Nang bumulagtang duguan ang biktima, naglakad patungong motorsiklo ang mga suspek sublit binalikan pa ito  at muling pinaputukan ng dalawang ulit para siguruhing napatay ang biktima.

Ang mga suspek ay tumakas lulan ng walang plakang motorsiklo patungong Roxas Blvd. bitbit ang baril na ginamit sa pagpatay sa biktima. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply