Kelot sumuko sa sakit, tumalon mula sa 19th floor ng BSP

BASAG ang bungo at nagkalasug-lasog ang katawan ng isang empleyado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) makaraang lumundag sa ika-19 na palapag gusali ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Mabini, Maynila, nang hindi na makayanan ang sakit na cancer.

Ayon kay P/Insp.Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang nakilalang si Felixberto Valdez, empleyado ng BSP na nakatalaga sa BSP East Avenue branch sa Quezon City.

Sa report ni SPO1 Gerardo Rivera, dakong alas-tres Biyernes ng hapon nang magpatiwakal umano si Valdez at bumagsak ang katawan sa nakatambak na tubo sa ibaba ng gusali.

Sa imbestigasyon, nabatid na iniinda umano ng biktima ang kanyang sakit na cancer na hinihinalang dahilan kung bakit nito naisip na wakasan ang buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Dinala naman ang bangkay ni Valdez sa St. Harold Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

Samantala, si Valdez ang ika-anim na tao na nahulog sa naturang gusali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply