Kelot tinanggihan ng ospital, tigok

HINDI na naisalba pa ang buhay ng isang lalaki matapos na umano’y tanggihan ng mga staff ng Mother and Child Hospital matapos isugod ito ng isang barangay tanod Sabado ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Inilarawan ang bitkima na nasa edad na 35-40, may taas na 5’4-5’6, may tattoo na ‘JRM’ sa kanang bahagi ng binti at naksuot ng kulay maroon na shirt at maong na pantalon.

Sa report ni SPO2 Edmundo Cabal, dakong 5:30 ng madiskubreng patay ang biktima sa tabi ng Odeon Mall, CM Recto, Sta. Cruz, Maynila.

Una rito, naisinugod umano ni Jamelito Tayan, ng tanod ng Brgy 310 Zone 31, District 3, ang bitkima sa nasabing pagamutan isang oras bago ito natagpuang patay dahil nakita niya nitong nahihirapan sa kanyang sakit na “tuberculosis.”

Pagsapit umano sa ospital ay tinanggihan ang biktima ng ilang staff dahil wala umano itong kamag-anak na maaring mag-asiste sa biktima.

Wala umanong nagawa ang tanod kaya umalis na lamang sila kung saan nagpalipas ng oras ang biktima sa tabi ng Odeon Mall.

Nang muling bisitahin ni Tayan ang biktima sa kanyang kinaroroonan ay nagulat siya nang mapansing hindi na ito humihinga kaya inireport ang insidente sa pulisya.

Posible umanong buhay pa ang biktima kung sakaling tinanggap ito ng naturang ospital at nabigyan ng medical assistance ang biktima sa kanyang karamdaman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply