Kelot tinodas sa harap ng ka-live-in

TODAS ang 26-anyos na lalaki matapos patraydor na saksakin ng nakaalitan sa harap mismo ng kanyang live-in sa Malanday Valenzuela City, iniulat ng pulisya.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Polo Emergency Hospital ay si IanCris Laurenciano, 29, ng  #190 Road 1 San Diego St., Malanday Valenzuela City.

Agad namang inatasan ni Sr.Supt. Mayor, ang kanyang mga tauhan sa agarang ikadarakip sa tumakas na suspek na si Jaypee Josion. 25, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni Sp01 Arnold Soriano, ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela police, dakong 11:30 nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Road 1 Lingunan, nasabing barangay.

Ayon sa ulat, pinagbantaan ng suspek ang biktima na huwag dadaan sa nasabing lugar kung gusto pa nitong  mabuhay, ngunit hindi pinakingan ni IanCris  ang nasabing banta hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo.

Habang patawid ang biktima kasama ang  kanyang live-in na si Shiela delos Santos sa nasabing lugar ay sinundan siya ng suspek saka pinagsasaksak hanggang mamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply