Kelot utas sa pinagsasampal na karibal

PATAY ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng karibal na kanyang pinagsasampal sa Caloocan City, Biyernes ng madaling-araw, Hulyo 22.

Dead on arrival sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Emmanuel Jose, 34, hiwalay sa asawa ng L. Lupa St., Maypajo, nasabing lungsod.

Kusang loob namang sumuko sa mga pulis si Josel Arroyo, 21, stay-in sa Alkaline Water Station ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong 1:30 ng madaling-araw, nakatayo ang suspek sa labas ng Alkaline Water Station nang lapitan ng nakainom na biktima at komprontahin.

Sinabihan ng biktima ang suspek na tumigil na sa panliligaw sa isang Gina bago ilang beses na pinagsasampal ni Jose si Arroyo.

Dahil sa galit ay kumuha ng kutsilyo ang suspek saka binuweltahan ng saksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa PDMMMC habang sumuko naman sa mga pulis ang salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply