Kemikal na inimbak sa Cavite pinasusuri

IPINAG-UTOS na ng lokal na pamahalaan ng Dasmariñas, Cavite na suriing mabuti ang kemikal na ibinuhos sa bakanteng lote dahil lubha na itong nakaaapekto sa mga residente ng Barangay Langkaan-2

Ang mga nakalalasong kemikal ay nakalagay sa 60 drum na ibinuhos sa nasabing bakanteng lote.

Umaalingasaw umano ang masangsang na amoy ng kemikal kaya natunton ng mga residente ang pinanggagalingan ng amoy.

Huli sa akto ang mga trabahador na ibinubuhos pa sa lupa ang mga naturang hazardous materials Sabado ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang may-ari ng lote na si Ramon Olager, na posibleng masampahan ng kasong paglabag sa Solid Waste Management Act.

Ikinatuwiran ni Olager na may permit siya upang gawing imbakan ng mga scrap material ang kanyang lote.

Inamin din nito na kinomisyon siya ng isang chemical treatment company mula sa Las Piñas City upang doon ilagay ang mga naturang kemikal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply