Kemikal sa mga laruan nakabobobo

NAKAKALASON na kemikal ang natuklasan sa may 60 klase ng mga laruang pambata na nakakalat sa mga pamilihan partikular sa Baclaran at Divisoria na nakaka-apekto sa pag-iisip ng mga bata.

Ito ang iniulat ng EcoWaste Coalition at ang counterpart nitosa ibang bansa na International POPs Elimination Network (Ipen), kung saan 30% porsyento umano ng 200 na imported at gawang lokal na mga laruan na kanilang sinuri sa iba’t-ibang lokasyon sa Metro Manila ay lumabas na may nakalalasong metal na lampas sa ligtas na antas o lebel.

Sa chemical analysis na ginawa ng grupo ay nakitaan ng mga metal na antimony, arsenic, cadmium, chromium, lead at mercury ang mga laruan at iba pang produktong pambata na ibinebenta ng mura sa Baclaran, Divisoria at maging sa ibang malalaking mall sa kalunsuran.

Ayon kay EcoWaste coordinator Thony Dizon, ginanap ang pagsusuri noong Hulyo 17-19 kasama ang siyentipiko ng Ipen na si Dr. Joseph Di Gangi na gumamit ng porteble na X-Ray Fluorescence (XRF) analyzer.

Ang pagkatuklas ng mga nakalalasong kemikal sa mga laruan ay nagdulot ng alarma sa kapakanan ng mga bata at naghatid ng mensahe sa industriya ng paggawa ng laruan na i-phase out na ang mga nakalalasong metal na ginagamit sa kanilang mga produkto at palitan ito ng mga ligtas na sangkap ayon sa pahayag ni Gangi.

Ilan sa mga laruang positibo sa mataas na lason ay ang Power Heroes League Plastic Robots, Soli Stuff Art Paint ,Police Car, Mini Race car, Face mask, Cellphone with button cell batteries, Hi-Speedy Motorcycles, Miniature animals at Pizza Lover, Ocean World Fish, Puzzle Mats, Angel Doll, Transporter 8-wheel truck, Formula 1 race car at Ben 10 Toy Doll.

Nanawagan din si Dizon sa mga negosyante na iwasan na ang pagbebenta at pag-angkat ng mga nabanggit na laruan na may sangkap na kasama sa Priority Chemical List na nakaka-apekto sa pag-iisp ng mga kabataan. Ben Reyes

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply