Kermadec Islands nilindol ng magnitude 7.8

NILINDOL ngmay magnitude 7.8 ang Kermadec Islands sa New Zealand habang itinaas ang local tsunami warning umaga ng Huwebes, Hulyo 7.

Ayon sa U.S. Geological Survey, tumama ang lindol bandang 5:45 a.m. (oras sa Pilipinas) sa naturang lugar sa Pacific Ocean kung saan ang sentro ng lindol ay nasa layong 174 kilometer sa silangan ng Raoul Island, Kermadec Islands na ang lalim ay 29.8 kilometer.

Samantala, ayon sa Pacific Tsunami Warning Center, nakataas ngayon ang tsunami warning sa bahagi ng Keramecs, Tonga at New Zealand.

Nabatid pa sa ulat na nagkaroon ng 2.2 feet tsunami sa Raoul Island kasunod ng naturang lindol.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply