Kilalanin natin ang 2 ungas at bugok sa QCPD (2)

MAJOR Cabili, Sir, hindi ka kaya nalugi roon sa ibinigay mong P20.00 sa mekaniko na halos isang araw na gumawa ng sasakyan mo? Kawawa ka naman.

Nakarating sa Lily’s Files na bagama’t suspendido itong si Cabili ay nakikita pa rin itong naglalakad na nakasukbit ang baril sa tagiliran.

Major Rolando Omagat:

Ito naman ang walang kakuwenta-kuwentang camp commander ng QCPD, na sinasabing “untouchable” at hindi magalaw sa kanyang puwesto dahil sa pagiging “mason” bukod pa sa ang naglagay rito sa puwesto ay isang mataas na opisyal ng PNP sa Kampo Crame.

Isinusuka ng mga pulis ng QCPD itong camp commander ng Kampo Karingal dahil pabaya at parang walang pakialam sa mga nangyayari sa loob ng Kampo.

Sobra ang higpit ng security sa gate ng Kampo Karingal, pero bakit nakatatakas ang ilang detainee at nalulusutan sila ng mga magnanakaw?

Major Omagat, hindi ka sinusuwelduhan ni Juan Dela Cruz, para lang magpalaki ng bayag sa loob ng opisina mo, lumabas ka naman at tingnan mo kung ano ang problema ng Kampo Karingal.

Alam ko at alam mo rin na ang dating sapa ay nagmistula nang isang tunnel at ginagawa ng daanan ng masasamang loob pero bakit hindi ka man lang gumawa ng paraan para maipasara ito, tuloy malayang nakapapasok ang mga kawatan sa loob ng Kampo.

Patunay nito ay ang ginawang pag-aresto ng mga operatiba ng District Anti Carnapping Unit (DACU) ng QCPD sa magkapatid na menor de edad na sina
Mario at Joel dahil ninakaw ng magkapatid ang baril ng isang pulis na nasa loob ng kotse nito na naka-park sa mismong impounding area ng DACU.

Nakahihiya, mismong loob ng Kampo ay napapasok ng masasamang loob, paano na kaya ang mga sibilyan na wala sa Kampo, asan na ang kaligtasan ng mamamayan?

Dahil dito ay nakipag-ugnayan ang Lily’ Files sa tanggapan ni CDS Col. Ilagan at siniguro nito na kanyang ipasasara ang nasabing tunnel at nagpapasalamat din ito sa inyong lingkod at nakarating sa kanya ang mga problema ng Kampo Karingal.

QCPD Director General Regis, bakit nagbubulag-bulagan ka at nag bibingi-bingihan sa mga kapalpakan nitong si Maj. Omagat gayung nasa mga kamay mo ang pagpapalit ng hepe ng isang unit?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply