Kilalanin natin ang 2 ungas at bugok sa QCPD

SINASABING pera at babae lang ang puwedeng pag-awayan ng mga pulis, kung kaya  naging  palaisipan ito sa mga nakatalagang pulis ng Kampo Karingal nang muntik ng magkabarilan ang da-lawang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) sa loob mismo ng nasabing kampo.

Sa nakarating na impormasyon sa Lily’s Files, itong sina Maj. Ramon Cabili at ang Camp Commander ng QCPD na si Maj. Ro-lando Omagat, ay muntik nang magkabarilan sa loob mismo ng Kampo Karingal sa harapan ng ilang pulis dahil daw sa 15-30 at kung sino ang dapat masunod sa mga communication.

Ang nasabing insidente ay nakarating sa tanggapan ni QCPD Director, General George Regis, kung kaya agad nitong inatasan si Sr. Supt. Neri Ilagan, ang Chief Directorial Staff na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon.

Inamin ni Col. Ilagan na siya  ang inatasan  ni General Regis na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon sa naudlot na barilan ng dalawang ungas at bugok na Major na nangyari noong nakalipas na buwan ng Hunyo. Bagamat  nagkaroon  ng amicable settlement ang dalawang major ay pinaimbestigahan pa rin ito ng District Intelligence Detective Management Development.

Ating kilalanin ang dalawang ungas at bugok na major ng QCPD at kung
sino ang mga ito.

Major Ramon Cabili:

Ito ang dating Base Police Commander ng QCPD na sinus-pinde ng National Capital Regional Police  Office (NCRPO) mula  nitong Hulyo 16 hanggang Agosto 14 dahil sa isang kaso na may tatlong taon na ang nakalilipas.

Sa pagkakasuspinde nitong si Major Cabili ay kinuha ng QCPD ang kanyang service firearm na 9mm at  tsapa. Itong si Major Cabili ay nuknukan sa kayabangan at napakasiga kung umasta, maging sa pilahan ng pagtaya sa lotto ay astig pa rin ito. Biruin mo nga namang nakapila ang mga tumataya tapos ay biglang darating itong si  Major Cabili na nakasukbit ang baril sa tagiliran at pupunta na lang sa unahan ng pila.

Natural, walang papalag, naka-display yata ang baril, takot lang nila. Minsan naman ay nagpagawa ng kanyang sasakyan  itong ungas at bugok na Major, inayos ang sasakyan at pinahilamusan pa o pinabugahan pintura.

Kamukat-mukat mo, ang inabot sa mekaniko ay halagang P20.00 lang.
Gustuhin man ng mekaninong umangal ay hindi nito magawa dahil naka-display ang kanyang baril sa baywang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply