Live-in may sabit, bebot uminom ng perfume, utas

PATAY ang 18-anyos na babae makaraang uminom ng perfume makaraang mabuking na may asawa na ang kanyang kinakasama sa Tondo, Maynila inulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Rosie Buela, ng Gate 2 Parola, Compound, nasabing lungsod.

Sa report ni SPO2 Virgo Villareal, alas-10:00 kagabi nang maganap ang insidente sa loob bahay ng biktima.

Nabatid na dinamdam ng biktima ang mga bali-balitang may asawa na ang kanyang live-in na si Juan Sibay, 33, kaya nagawa nitong uminom ng pabango.

Nauna rito, nagtataka umano si Sibay sa ikinikilos ng biktima  kung saan napakatamik habang panay ang hithit ng sigarilyo habang nakaupo sa kanilang kama.

Nang atekin ng sunod-sunod na pag-ubo ang biktima ay saka lamang nagduda si Sibay kaya nilapitan niya ang una kung saan  niya nalamang uminom ng pabango ang kinakasama nang makita ang maliit na basyo ng bote sa tabi nito.

Agad niyang dinala sa pagamutan ang biktima pero hindi na umabot nang buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply