Kinalasan ng BF, dalagita lumagok ng lason, tigok

PATAY ang isang dalagita nang wakasan ang sariling buhay matapos lumagok ng lason nang kalasan ng kanyang boyfriend sa Valenzuela City, iniulat Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Katrina Janz Lim, 14, ng 5 San Diego St., Marulas, nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong 4:40 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito.

Ayon sa tiyahin ng biktima na si Roceli Lim, 45, tinungo niya ang silid ng pamangkin upang tawagin para kumain dahil hindi pa ito lumalabas ng kanyang silid mula ng umaga.

Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanyang harapan ang pamangkin na bumubula ang bibig katabi ang wala nang laman na bote ng silver cleaning solution, kemikal na panlinis ng accessories at metal.

Dahil dito, agad siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay upang dalhin sa pagamutan ang biktima subalit idineklara na siyang dead-on-arrival.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya kung may naganap na foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply