Klase sa Albay sinuspinde dahil sa malakas na pag-ulan

SINUSPINDE ngayong hapon ng provincial government ng Albay ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan dahil sa matinding pag-ulan na nararanasan doon.

Dahil sa malakas na ulan sa buong lalawigan mula pa noong mga nakalipas na araw ay nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang mga kalsada.

Ipinahayag ni Gov. Joey Salceda na kailangang suspendihin ang klase sa lahat ng antas upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga mag-aaral at makaiwas sa peligrong dala ng mga pagbaha.

Hinihintay na rin ng lokal na pamahalaan kung ipag-uutos na ang pagpapalikas sa mga residente na nasa flood at landslide prone area.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply