Klase sa kolehiyo sa NCR sinuspinde na rin

SINUSPINDE na rin ng Palasyo ang klase sa kolehiyo ngayong Miyerkules, Hulyo 27, sa buong National Capital Region (NCR) dahil sa pananalasa ng bagyong Juaning ayon sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction Council (NDRRMC).

Martes ng umaga ng unang suspindehin ng Department of Education ang panghapong klase sa pre-school, elementary at high-school sa pampabuliko at pribadong paaralan sa buong NCR dahil sa malakas na ulan na binagsak ni Juaning.

Dahil sa patuloy na pag-ulan ay sinuspinde na rin ang klase sa kolehiyo sa buong NCR.

Sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ay walang pasok sa kindergarten, elementary at high school.

Wala ring pasok mula pre-school hanggang high-school sa Region 3 (Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Zambales, Aurora at Tarlac).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply