Klase sa panghapon kinansela ng DepEd

KINANSELA ng Department of Education (DepEd) ang pang-hapon na klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa National Capital Region (NCR).

Inihayag ni DepEd-NCR Dir. Elena Ruiz, na ang pagsuspinde sa klase ay dahil sa babala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na patuloy pa ring makakaranas ng pag-ulan ang buong Metro Manila dahil sa bagyong Juaning.

Bagama’t hindi sakop ng storm warning ng PAGASA ang NCR ay magdamag na nakaranas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng rehiyon.

Samantala, maliban sa Bicol Region, sinuspende na rin ng DepEd ang pasok para sa kindergarten hanggang high school sa Lipa City, Batangas.

Ayon kay DepEd Usec. Tonisito Umali, bagama’t walang storm warning sa bahagi ng Southern Luzon, minabuti umano ng kagawaran na ideklara ang suspension of classes sa kinder, elementary at high school dahil sa patuloy na pag-ulan.

Una na ring inihayag ng DepEd na awtomatiko ng walang pasok sa mga lugar na nasa ilalim ng storm signal no. 1, partikular sa ilang bahagi ng Ilocos at Central Luzon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply