Kobe lalayas na sa Lakers

MAKIKIPAGKITA umano ang mga kinatawan ni Los Angeles Lakers All-Star guard Kobe Bryant sa mga opisyal naman ng Turkish club Besiktas sa susunod na Linggo.
Pag-uusapan umano ng mga ito ang posibleng paglaro ni Kobe sa Turkey sa oras na matuloy ang pagsara ng National Basketball Association (NBA) sa susunod na season.
Kapag nagkataon ay pansamantalang hindi mapapanood ng mga fans si Kobe sa piling ng Lakers.
Ayon kay Seref Yalcin, head ng basketball operations ng Besiktas, umaasa silang makukuha nila ang serbisyo ng five-time NBA champion at Olympic gold medalist.
“At the moment there’s a 50 per cent chance that Kobe may come to Turkey,” pahayag ni Yalcin. “Everything will be clearer after the meeting on the (July) 30th.”
Kabilang sa mga lumagda na sa Besiktas ay si New Jersey Nets guard Deron Williams at gayundin din si former NBA MVP
Allen Iverson na nakapirma na noong isang taon.
Sinabi naman ni Bryant na interesado rin siya na maglaro sa oras na matuloy ang pansamantalang pagsasara ng NBA ngunit pinagpipilian pa niya ang China o Turkey.
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply