Koko Pimentel hiniling iproklamang nanalo sa 2007 poll

HINILING ni dating Senador Aquilino Pimentel Jr sa Senate Electoral Tribunal na iproklama bilang ika-12 nanalong senador sa naganap na 2007 senatorial election ang kanyang anak na si Atty. Aquiilino  Koko Pimentel  III.

Kasunod ito nang paghahain ng dating senador ng motion  sa SET para sa agarang pagproproklama  kay Pimentel III kapalit ni Senador Migz Zubiri.

Sa paghahain ng naturang mosyong, pinagbatayan ng dating senador ang pag-abandona ni Zubiri sa counter election protest na isinampa rin noon sa SET kung saan inaatasan aniya ng senador ang kanyang mga revisor na huwag nang dumalo sa proceedings.

Bunsod nito, naniniwala ang dating senador na binabalewala na ni Zubiri ang kanyang protesta.

Naniniwala rin ang nakatatandang Pimentel na may batayan na ang SET upang iproklama ang panalo ni Koko Pimentel lalo pa at nakalalamang ng 257,000 votes ang kanyang anak kontra sa naitalang boto ni Senador Zubiri.

Ang dating senador ay bumisita sa tanggapan ni Justice Secretary Leila de Lima at naghain ng mga suhestiyon sakaling  magsasagawa ng  imbestigasyon ang DOJ sa mga kaso ng election fraud.

Kaugnay nito, nais ni Pimentel na higpitan ng DOJ ang pag-usig sa mga responsable sa  naganap na pandaraya sa mga nakalipas na halalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply