Kompanya ng bus na tumilapon sa Skyway, sinuspinde

SINUSPINDE ng isang buwan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Dimple Star Transport Corp. makaraang tumilapon ang isang bus nito Martes ng umaga sa Skyway dahilan para mamatay ang driver at isang pasahero nito na ikinasugat ng ilan.

Ang naturang bus na may body number 7511 ay galing Lawton Maynila at papunta sa Alabang Muntinlupa nang mahulog mula sa Skyway -west service road sa tapat ng Marcelo Green Village sa Parañaque City.

Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Manuel Iway, boardmember ng LTFRB, standard operation procedure (SOP) na ng ahensiya na isailalim sa isang buwang suspensyon ang operasyon ng alinmang pampasaherong bus na masasangkot sa aksidente lalo na kung may nabiktima ito.

Ayon kay Iway, magpapalabas ang LTFRB ng show cause order bukas, Miyerkules, sa bus company upang pagpaliwanagin kung bakit hindi maaaring kanselahin ang  prangkisa nito kaugnay sa naganap na insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply