Kompensasyon sa mga biktima ng Martial Law

SINO-SINO ang mga biktima ng Martial Law?

Ang kulang-kulang ba sa 10,000 katao lang na nailista sa ligal na laban noon sa korte kina Uncle Sam?

Nitong nakaraang pamamahagi ng kompensasyon sa hiwalay na kaso, nagkaroon ng mga problema dahil nagkaroon ng burahan ng pangalan ng hindi magkasundo na grupo ng mga claimant.

May mga hindi nakatanggap ng P50,000.

Pero hindi pa ito ang ating punto.

Mahigit sa 10,000 ang tunay na biktima at napakarami talaga ang mga biktima na hindi naisali sa mga listahan.

oOo

Karaniwan sa mga hindi nakalista ang mga biktima na nasa malalayong lugar sa Metro Manila.

Marami ring naninirahan sa Metro Manila ang hindi nasali sa listahan dahil kulang na kulang sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa ligal na laban ang mga organisasyon na naglakad para rito noon. At kahit pa naging biktima  ang mga wala sa listahan, nagkawala-wala na rin ang mga papeles ng mga ito sa kanilang kamatayan, pagkabalda, pagkakulong, pagka-torture, pagkawala, pagka-rape etc.

oOo

Kung bakit tinatalakay natin ito, Suki, ay dahil sa SONA ni PNoy na kanyang alalahaning ang kompensasyon ng mga biktima ng martial law.

Ano-ano ba ang mga gagawin ng pamahalaan upang maisama ang mga pinagbubura ng mga organisasyon na naghihiwalay at nag-aaway dahil sa idolohiya, organisasyon at pera, huh?

Paano ang mga biktimang hindi nasali sa listahan ngunit totoong biktima?

Masakit isiping mas malaki pa ang tatanggapin ng mga bayarang abogado sa kaso kaysa mga biktima. Pero higit na masakit ang hindi pagkilala sa iba pang mga biktima bukod sa 10,000 nakalista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply