Konduktor dedo sa holdaper

ISANG konduktor ng Ceres Liner bus ang napatay matapos itong saksakin ng dalawang beses sa dibdib ng mga nangholdap ng kanilang bus na patungong lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon kay Manapla, Negros Occidental Police Chief Insp. Julius Caesar Colado, nakilala ang biktima na si Ricardo Despi.

Base sa imbestigasyon, sumakay umano ang mga salarin sa bayan ng Manapla bandang 7:30 ng gabi sa naturang bus na galing ng Escalante City at papuntang Bacolod.

Nabatid pa na pagdating sa Hacienda Lourdes sa Barangay Punta Mesa sa bayan ng Manapla ay nagdeklara na ang mga ito ng holdap.

Tangay ng apat na holdaper ang nagkakahalagang P9,000.00 mula sa kita ng bus, mga wallet at cellphones ng mga pasahero.

Sinaksak umano ang konduktor ng isa sa mga suspek bago isinagawa ang pagtakas.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply