Solons, PNP kumakatkong sa STL – PCSO

MULTI-MILYON ang diumano’y kinukupit ng ilang kongresista at ng Philippine National Police (PNP) mula sa small-town lottery (STL), ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office board.

Sa kanyang testimonya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayon, Lunes, sa kontrobersyal na PCSO fund scam, isiniwalat ni Maria Aleta Tolentino, miyembro ng PCSO board, na tumatanggap ang ilang mga kongresista at PNP ng ilang porsiyento sa net receipts ng STL.

“Congressmen receive endowments and STL shares,” ayon kay Tolentino. “The PNP, including the regional police office, receives around 5 percent of the net receipts of STL operations in their locality.”

Nakalulusot umano ang tiwaling gawain dahil walang matibay na dokumentong isinusumite sa Commission on Audit (COA) upang malaman kung saan napunta at ginamit ang pondo.

Ayon kay Tolentino, tumatanggap ng 2.5 porsiyento ang bawat kongresista na may operasyon ng STL sa kanilang nasasakupan, bukod pa sa endowment fund ng PCSO na kinukuha naman ng charity funds.

Kiinumpirma naman ni PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II ang alegasyon ni Tolentino at nangakong isusumite sa Senado ang listahan ng mga kongresista na tumatanggap ng pondo mula sa ahensiya.

“Some stop, some continue in 2007. We will submit the list,” ayon kay Rojas.

Pinatunayan naman ni COA Chairman Fidela Tan na tumatanggap nga ng pondo ang mga kongresista mula sa PCSO ngunit walang liquidating documents na magpapatunay kung saan nagamit ang pondo.

Ito ay matapos tanungin ni Sen. Panfilo Lacson ang COA kung may dokumentong magpapatunay kung saan nagamit ang pondo ng mga kongresista.

“For COA, has anyone from the congressmen concerned has submitted liquidating documents? From 2006 up to the present, COA has not received liquidating documents from congressmen,” ayon kay Lacson.

Idinagdag naman ni Rojas na dapat nagkaroon ng liquidation sa local COA ang ibinigay na pondo para sa mga kongresista.

“Only acknowledgement receipts has been submitted to PCSO,” giit ni Rojas.

Dahil dito, inatasan ni Sen. Teofisto Guingona III, chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, ang pagpapatawag sa  pamunuan ng PNP upang magpaliwanag kung totoong tumatanggap ang mga pang-rehiyong opisina nito ng halaga mula sa STL.

“So ordered, the Committee is hereby directed to summon the concerned PNP officials in the next hearing to explain the use of PCSO funds,” ayon kay Guingona.

Sinabi ni Tan na naglaan ang PCSO ng punto limang porsiyento mula sa net receipts mula sa STL para sa PNP at punto limang porsiyento para naman sa PNP regional office na mayroong operasyon ng STL.

“No documents submitted to us to prove that they received the funds,”  ayon kay Tan

Ipingako ni Tan na magsasagawa ang COA ng kaukulang pagsusuri sa lahat ng pondong ibinigay ng PCSO sa PNP sa loob ng dalawang linggo.

“In two weeks, we will comply,” pangako ni Tan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply