Konsehal ng Palawan iniimbestigahan sa 8 bungo

INIIMBESTIGAHAN ng pulisya ang isang town councilor ng Palawan province dahil sa pagtatabi ng walong bungo at human skeletons ng tao.

Ayon sa ulat, si Rizal town councilor Jess Besaga ay iniimbestigahan dahil sa pag-iingat ng bungo at kalansay ng tao na natagpuan sa loob ng isang sako na  kinumpiska ng Philippine National Police (PNP), Linggo ng hapon.

Ayon naman kay Besaga, ang mga bungo at buto ng tao ay nahukay mula sa Double Island sa Palawan.

Inaalam pa ng pulisya kung may katotohanan na ang mga labi ay nakakasa umanong ibenta ni Besaga sa isang Japanese national na pinaniniwalaang may ambisyong makuha ang mga bangkay ng kapwa Hapon na namatay at nilibing sa lugar noong panahon pa ng giyera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply