Konsehal sa Bacolod pinatay

DEAD on arrival ang isang konsehal ng Ilog, Negros Occidental makaraang barilin ng isang salarin sa Bacolod City, tanghali ng Miyerkules, Hulyo 27.

Hindi na umabot pang buhay si sangguniang bayan member Antonio Hequilla nang isugod ito sa Bacolod Doctor’s Hospital dahil sa tinamong limang tama ng bala sa kaniyang katawan mula sa .45 caliber pistol.

Ayon sa report, binaril sa harap ng isang hotel sa Brgy. Villamonte, Bacolod City ang biktima matapos magkape.

Ayon sa guwardiya ng hotel na nakakita sa pangyayari, sasakay na sana ang konsehal sa kaniyang kulay silver na Toyota Hi-lux nang ito ay barilin ng salarin na nag-aabang malapit sa sasakyan kung saan agad itong tumumba sa unang putok pa lamang na sinundan nang maraming beses.

Mabilis namang tumakas ang salarin sakay sa kaniyang motorskilo matapos ang krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply