2 central bus terminal itinatayo na

SISIMULAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang konstruksyon ng dalawang central bus terminal para sa mga sasakyan na bumibiyahe sa iba’t ibang mga probinsya sa bansa.

Sa panayam kay MMDA Chairman Francis Tolentino, sinabi niya na nais niyang makausap sina Caloocan Mayor Enrico Echeverri at Malabon Mayor Canuto Oreta upang linawin ang lumalabas na umano’y gusot sa pagitan ng dalawang alkalde hinggil sa pagtatayuan ng North Terminal.

“Yun na lang ang kaunting gusot, kung sa jurisdiction ng Caloocan o Malabon. Subali’t ang mayor ng Malabon at Caloocan parehong payag kailangan magkaroon ng terminal. Sana sa darating na araw maupuan naming tatlo yan,” pahayag ni Tolentino.

Matatandaang isinapubliko na ng MMDA ang anunsyo sa pagtatayo ng dalawang provincial bus terminals sa Metro Manila upang maiwasan ang trapiko sa Epifanio Delos Santos Avenue at kalapit na mga lansangan.

Tinututukan na ng ahensya ang isyu sa pagitan ng dalawang syudad upang maituloy na ang konstruksyon ng North Central Terminal samantalang tuloy pa rin ang paghahanap ng vacant lot para sa South Central Terminal.

“Immaterial sa ating kababayan kung ito Malabon, Valenzuela, Caloocan o Bulacan ,” saad ng MMDA Chair. Sa south, dalawang lugar ang pinagpipilian, mga detalye na lang inaayos,” saad ni Tolentino.

Inaasahang sisimulan ang kontruksyon ng North at South Central Terminal sa Oktubre. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply