Kopya ng ninakaw na ER ng 2004 polls ipinakita sa media

IPINAKITA ni Justice Secretary Leila de Lima ang apat na kopya ng election returns (ER) noong 2004 presidential elections na sinasabing nakuha ng grupo ni Senior Supt. Rafael Santiago mula apat na beses na pagpasok ng mga ito sa Batasang Pambansa.

Nakuha umano ng grupo ni Santiago, na noon ay nasa Special Action Force (SAF), ang 50 ER nang isagawa ang break-in sa Batasan noong Enero 2005.

Inaasahan na lulutang ngayong araw sa Department of Justice ang grupo ni Santiago dala-dala ang kanilang mga sworn statement.

Sinabi ni De Lima na walang hinihinging kapalit ang grupo ni Santiago kundi ang mapasailalim sa witness protection program ng pamahalaan para ilabas nila ang katotohanan hinggil sa tunay na resulta ng 2004 presidential election.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply