Korapsyon sa loob, bagyo sa labas

PUNOM-PUNO ang mga kamay ng mga onorabol ukol sa korapsyon.

Mayroon sa Senado, sa Kamara at sa Palasyo.

Ang Ombudsman at Department of Justice ay puno rin ang mga kamay sa pagrenda sa mga korap.

Pero sa labas ng mga ito ay punom-puno rin ng kalamidad.

Daan-daang libong lahi ni Juan ang sinasalanta ng bagyo, baha at lanislayd.

oOo

Sa pinalalabas na balita ng mga opisina ng mga onorabol, mas interesado pa silang mapag-usapan ang korapsyon kaysa magbalangkas ng mga patakaran at kumilos para sagipin sa kagipitan si Juan.

Ang akala ng mga onorabol na ito, eh, higit silang makapaglilingkod kay Juan sa paninira sa mga korap kaysa magdala ng pampawi ng gutom, gamot sa mga maysakit, damit sa mga nahuhubaran, tubig sa mga nauuhaw, edukasyon sa mga kabataan at iba pa.

Kung kumikilos man ang mga onorabol na ito, baon-baon nila ang mga salita na kaya sila hindi gaanong makakilos para sa pablik serbis ay dahil sa mga korap.

oOo

Hindi magandang makita na ganito ang mga nagaganap.

Kung iisipin, pondo ang problema ng pamahalaan. Kung wala itong hawak na pondo, hindi ito makakakilos.

Subalit hindi maaaring katwiran ang kawalan ng pondo dahil nagbubuhos naman ito ng malalaking halaga para sa kapritso ng mga matataas na opisyal ng bayan.

Por eksampol lamang sa Kongreso, bumubuhos ang bilyon-bilyong pisong salapi sa anyo ng pork barrel sa mga kaalyado ni PNoy.

Panay naman ang pasubasta sa mga bilyon-bilyong pisong proyekto mula sa Malakanyang hanggang sa mga munisipyo.

Subalit  para sa mga kinakalamidad, walang pondo?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply