Krimen ang maling paggamit sa laser device– Trillanes

NAIS ni Senador Antonio trillanes na gawing krimen ang hindi tamang paggamit sa laser device.

Ito ang nakapaloob sa panukalang batas na inihain ni Trillanes na naglalayong gawing krimen at parusahan ang hindi tamang paggamit ng mga laser device.

Ang naturang panukala ay matapos ng magkakasunod na ulat ng pag-atake sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City gamit ang mga laser device.

“Manila International Airport Authority already took note of several laser device attacks made in the airport’s premises and issued a warning addressed to all airline pilots at the NAIA to watch out for laser beams coming from nearby residential areas that cause temporary blindness among pilots,” ani Trillanes.

Ilang piloto na ang nagreklamo ukol sa mga insidente kung saan direktang tinamaan ang kanilang mata ng laser beam habang papalapag ang minamaneho nilang eroplano sa Runway 06-24 sa NAIA.

Gayunman, maaayos naman silang naka-landing sa paliparan.

May mga kahalintulad na ulat din ng pag-atake gamit ang mga laser beam sa ibang bansa gaya ng Russia kung saan mahigit 30 ang naging biktima nito.

Ang mga naturang insidente ay nauwi sa pagpapasa ng batas ukol sa kriminalisasyon na kung saan ginagamit na sandata ang laser device sa mga pag-atake.

Sa inihain Senate Bill 2888, sinabi ni Trillanes na ang naturang uri ng pag-atake ay ituturing na “assault” at “aggravated assault” na may mga karampatang parusa.

Ayon sa panukalang batas, ang pag-atake gamit ang laser device ay isinasagawa ng mga taong gumagamit ng laser pointer, pen at iba pang kahalintulad na device na nakaaabala o nakaiistorbo at maaring ikapahamak ng ibang tao.

Ang mga mapatutunayang nagkasala sa ilalim ng batas ay sasailalim sa pagkakakulong ng mula tatlong buwan hanggang anim na taon at pagmumultahin ng mula P10,000 hanggang P100,000.

“Attacks using laser devices cannot be ignored because of the potential danger said acts can cause to civil aviation and the motoring public,” iginiit ni Trillanes.

Ipinaliwanag din ng senador na ang mga ganitong uri ng pag-atake ay hindi lamang nagdudulot ng kapahamakan at pagkasira ng ari-arian kundi pati na rin matitinding aksidente at kalunos-lunos na trahedya na maaring kumitil sa maraming buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply