Kris Aquino di raw puwedeng umibig kay Diether Ocampo

IN a way, pinag-usapan ang mamamahaling relo ni Kris Aquino na di umano’y nagkakahalaga ng sampung milyon. Bale limang relo ito na talaga namang sobrang mahal.

May mga taong nagpapalagay na ipinanreregalo ito ni Kris sa mga kaibigan niyang lalaki at isa rito si Diether, na diumano’y niregaluhan niya nung birthday nito. Kumalat nga’ng tsismis hanggang sa television ay napag-usapan ito.

Nang dahil dito, nagtampo tuloy si Kris kay Diether na di umano nga, niregaluhan ni niya ng isang relo.

Sabi ni kris, inaway niya si Diether Ocampo dahil sa isyung binigyan niya ng relo ang aktor bilang birthday gift.

Inaway-away daw niya talaga si Diet at sinabihan ng “hindi kita binigyan ng relo, bakit ka nagki-claim?”

Ang sagot daw ng aktor ay in-edit-edit daw kasi sa TV kaya nagkaganu’n.

“Sabi ko, sabihin mo sa kanila, ang hiningi mo sa akin, library. Humingi siya ng library para sa mga bata na gusto niyang tulungan sa Sulu. Tapos umoo naman ako na ako ang magsu-supply ng lahat ng libro. Kaya nagulat ako, sabi ko ‘uy, wala kang relo ha?” Pero okey kami,” sabi ni Kris.

Ito raw ang dahilan kung bakit siya dinalaw ni Diet sa taping ng “The Price is Right.” Alam daw kasi ng aktor na nagalit siya.

Muli ay nilinaw ni Tetay na talagang hanggang friends lang sila ni Diet kahit ano ang mangyari.

“We’re really friends. Feeling ko talaga, until mamatay na kaming dalawa, super-good friends. Kasi sa hitsura ni Diet, dapat pine-friend mo lang siya, huwag mo siyang i-boyfriend, kasi sobrang guwapo, madami kang makakaagaw, huwag na lang,” sey pa ng TV host/actress.

Ang nakakatuwang kuwento ni Kris, humihingi na pala ng baby sister sa kanya ang bunsong anak na si Baby James. Akala raw ng bagets ay puwedeng bilhin ang kapatid kaya nagpapabili ito sa Megamall.

Nang sabihin ni Kris na manghihiram na lang sila ng baby sister, ayaw ng bagets at ang gusto ay forever daw sa kanila.

Natawa na lang si Kris sa gustong mangyari ng bunsong anak.

And speaking of Diether Ocampo, maestro pala ang tawag niya sa co-star niya sa “Guns & Roses” na si Robin Padilla. Ayon sa aktor, sobrang iniidolo raw niya ang action star at ang dami niyang natututunan dito.

“Parang kuya ko na ’yan, eh. Kasi, ako ang panganay sa amin, wala akong nakakatandang kapatid na lalaki, so, masarap na makatrabaho ang isang Robin Padilla dahil malaki ang respeto ko talaga. Talagang isang malaking karangalan na mabigyan ka ng pagkakataong makatrabaho siya.

“Dahil hindi lang kami nagkakatrabaho, eh, ang dami ko ring natututunan sa kanya. Sa bawat mga eksena namin, inaaalalayan niya ako. Kaya naman ako, ganu’n din sa kanya. Hindi ko nga halos masuklian ang mga ibinibigay niya sa akin. Ganu’n siya ka-generous na tao,” papuri ni Diet.

Hindi lang sa career daw siya natuturuan ni Binoe kungdi maging sa personal na buhay since marami na ring pinag-daanan ang action star.

“Kumbaga, naise-share niya sa akin, kung baga, ang dami ko ring nare-realize na mga bagay.”

Pero hindi pa naman daw sila dumarating sa puntong nagkaka-share-an na ng mga kani-kanilang love life.

“Medyo malihim din si Maestro kaya ayoko rin namang usisain. Mga personal na bagay na ‘yun, eh. Ako naman, kung may ano, kumokonsu-konsulta lang ako sa kanya.”

Nang tanungin namin kung kinokonsulta ba niya kay Robin si Kris Aquino na nali-link ngayon sa kanya, natawa si Diet.

“Wala naman akong dapat ikonsulta sa kanya about Kris, eh,” sabi pa nito.

Type na type ni Diet ang role niya sa G&R kaya naman enjoy na enjoy daw siya sa set. Sana nga raw ay more challenging roles pa to come in the future.

***

May bagong biktima ang Kimerald ek

THE Kimerald are it again. Sila po yung mga fanchita raw nina Kim something at Gerald Anderson na every time na lang, napapasok sa gusot dahil sa sobrang pakikialam sa buhay ng mga idolo nila. Di ilang tao ang pinerhuwisyo dahil nga sa mga hunghang na fans na ito.

We have seen some of them, mga tatlo siguro. The way they are written about, para bang milyones ang bilang nila. Ilan ba talaga sila?

Anyway, of late, si Jessy Mendiola ang kanilang hina-harrass. Marami silang kesyo na ganyan at ganito.

But did you know na ayaw silang patulan ni Jessy? Na tila kahit pa ano’ng katsang ng mga ek na ito, Jessy will stand her deal. Di siya padadaig kung kailangang lumaban, nakahanda itong sumugod, mga kapatid.

Hahaha.

Kawawa naman ang Kimerald, they better accept the fact na matagal nang tapos ang Gerald –Kim something. May bago na’ng dalawa’t dapat nila ‘tong tanggapin.

Ano sila hilo, wala sa katinuan?

Bakit sila nakikialam sa buhay ng dalawa? Sabi, mga edukado raw ang mga ito, but there is no iota of an inch na ganyan sila. They way they act, parang mga monster sila, parang wala silang mga pinag-aralan.

Going back to Jessy, abangan natin kung paano siya lalaban sa mga maledukadong fan group na ito.

Laban, Sabel, laban!

***

Matteo Guidicelli tinotorotot na nina Maja Salvador, Coco Martin?

MARAMI ang pinaniwala ng mga usaping on na sa tunay na buhay sina Matteo Guidicelli at Maja Salvador. Tila kasi sila’ng susunod na team na ibi-build up ng ABS-CBN. Pero sa anumang indikasyon, the project isn’t pushing through dahil sa halip, pinalalabas nga na sina Coco Martin at Maja Salvador na.

Mukhang tumabang ang isyu kina Matteo Guidicelli at Maja Salvador.

Tinotorotot na nina Maja at Coco si Matteo?

Wala nang naririnig na balita tungkol sa dalawa. Mas maingay ngayon ang sinasabing closeness nina Coco Martin at Maja. May time pa nga na bukod sa taping ay madalas magkita sa labas ang dalawa para mag-dinner. Dumadalaw na rin si Coco sa bahay ni Maja.

Kung after “Minsan Lang Kita Iibigin” ay mananatiling close sina Maja at Coco, sigurado ngang may namumuong relasyon sa kanila. We’ll find out after the series.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply