Kris Bernal: Masisira ang kasabihan ni Mark Herras na ang mga leading lady niya ay mai-in-love sa kanya

NAKALOLOKA ang kuwento ni Kris Bernal sa sinabi sa kanya ni Mark Herras sa set ng Time of Your Life na “alam mo ba na di nakakalusot sa akin na di ko liligawan ang mga nakakapartner ko?”

Natawa lang si Kris kay Mark dahil alam niyang nagbibiro lang ang actor. Kasi naman, bakit di na-link kay Mark noon si Heart Evangelista nang mag-partner sila sa isang soap ng GMA 7?

Para kay Kris, mabait na kasama si Mark sa set. Another thing, wala raw siyang balak na agawin ito kay Yna Asistio. Bukod pa rito, alam naman ng lahat na nali-link kay Kris ngayon ay si Jay Perillo.

Kahit walang aminan pa hanggang ngayon sa kanilang dalawa, lahat ng taong nakapaligid at sumusubaybay sa kanila ay alam na may relasyon sila.

Challenging kay Kris ang Time of Your Life dahil bukod sa sagad siya sa drama rito at sagad din siya sa pagsasayaw, kinailangan pa niyang mag-training ng dalawang buwan para matutuhan ang mga ball room dancing tulad ng tango.

Magsisimula na ang Time of Your Life sa August 1 bilang kapalit ng Captain Barbell sa primetime ng GMA 7.

***

HINDI na talaga malilimutan ni Sef Cadayona si Janna Dominguez. Pitong buwan din silang mag-on noon. Ipinakilala na niya si Janna sa kanyang parents. Paborito rin si Janna ng kanyang mga magulang.

Na-enjoy ni Sef ang lahat ng pagsasama nila ni Janna. Kasi, mabait at maalalahanin ito sa kanya. Dahil super busy si Sef sa mga show niya sa GMA 7 at si Janna ay gayundin, at least once a week lang daw sila nagkikita o nagdi-date na dalawa.

Later on napag-isip isip nilang mabuti pang maghiwalay na muna sila. Nagkasunud-sunod na kasi ang assignment ni Sef.

Gusto talagang mag-concentrate ng bagets sa kanyang career kaya isantabi muna ang kanyang love life.

Okay rin sa kanya na nakakuha na si Janna ng bagong magmamahal dito sa katauhan ni Mickey Ablan.

Ganyan naman ang buhay, kung may nawala, may kapalit.

Samantala, sa Time of Your Life ay personal choice ng  director si Sef na lumabas na gay role. Okay naman kay Sef dahil trabaho lang ang lahat. Gusto niyang gawin ang iba-ibang roles.

Ikinu-consider niya ang kanyang sarili na comedian at dancer.

Peg pala ni Sef sa pagiging bading sina Eddie Garcia, Vic Sotto at Tirso Cruz III.

***

Patrick Garcia trip pa rin si Glaiza de Castro

TULUYAN nang ipinaubaya ni Patrick Garcia ang kanyang yaya for 16 years kay Glaiza de Castro. Bale ang yaya ni Patrick ang madalas kasama ngayon ng aktres sa taping o shooting niya recently ng Patikul, I-Libing at Rakenrol.

Mismong ang yaya ni Patrick ang lumipat kay Glaiza dahil nagpahinga muna sa pag-aartista si Patrick. Wala kasi siyang gaanong gagawin sa aktor kaya naisipan nito na lumipat kay Glaiza. Eh, close ang yaya ni Patrick sa dalaga dahil sa madalas silang nagkikita kapag pumupunta sa church si Glaiza at pamilya nito. Iisang simbahan lang kasi ang pinupuntahan nina Glaiza at Patrick noon. Lalo na nang panahon na nanunuyo ang binata sa dalaga.

Matagal ding nanligaw si Patrick sa young actress hanggang sa huminto na nga ito at nagpasya ring tumigil sa showbiz.

Ang yaya ni Patrick noon ang naging tulay din kay Glaiza pero sadyang mailap pa sa mga manliligaw ang dalaga kaya walang nangyari. At any rate, sa mga interview kay Glaiza noon ay sinasabi ng dalaga na dapat magtiyaga si Patrick sa panunuyo sa kanya para makilala niya nang husto ang binatang ama.

Tanggap naman ni Glaiza noon ang status ni Patrick na ama ni Alex Jazz, ang love child nina Patrick at Jennylyn Mercado.

Sa huling interview sa binata sa telebisyon ay obvious na nag-mature na ang actor at lalong naging good looking.

Sa pagkikita kayang muli nila ni Glaiza sa mga affair ng GMA 7, manumbalik kayang muli ang pagtingin niya kay Glaiza na matagal din niyang niligawan noon?

Aba, sa  pagpaparaya ni Patrick sa yaya niya para kay Glaiza ay may ibig sabihin iyon? Di ba?

***

KITANG-KITA namin sa CCP main theatre ang sweet na sweet na sina Rocco Nacino at Sheena Halili. Hindi silang dalawa mapaghiwalay sa kuwentuhan at kahit pumipirma ng autograph ang young actor ay kabuntot pa rin ang dalaga.

Sa dalas naming nakikita sina Sheena at Rocco na magkasama, wala pa kayang nabu-buong relasyon sa dalawa? Parang hindi kabilib-bilib na friends lang sila, ano?

Noon pang panahon ng taping ng dati nilang show, ang Kaya ng Powers, ay narinig na namin ang panliligaw ni Rocco kay Sheena. Talagang maaayos na dumadalaw ito sa bahay ng dalaga sa San Fernando, Pampanga.

Usap-usapan pa sa set noon, ang paghingi ng address ni Rocco ng bahay ni Sheena. Matagal nang namahinga ang Kaya ng Powers, kaya posibleng sina Rocco at Sheena na ngayon.

Bida nga pala sina Rocco, Paolo Avelino at Jean Garcia sa Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa na entry sa Cinemalaya 2011.

Ipinakita nina Paolo at Rocco ang galing nila sa pagsasayaw sa movie at ang galing nilang umarte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply