Kris Bernal tinanggihan ang FHM!

SI MARK Herras na ang kapareha ni Kris Bernal sa bagong serye ng GMA-7. Unang primetime show ito ni Kris na hindi si Aljur Abrenica ang kapareha niya.

“Yes! Ay, first ko nga, tama kasi sa ‘The Last Prince,’ si Aljur doon,” bungad niya sa isang interbyu.

May pressure?

“Oo naman, grabe! As in pressured talaga ako kasi pinangarap ko talagang magkaroon ng primetime e, tapos ito hindi lang drama, although heavy drama din ito pero may kasamang sayaw, minsan umiiyak ako, sumasayaw.

“At ito yung first primetime ko na wala si Aljur, na wala yung loveteam namin at iba ang loveteam ko,” aniya.

Sumeksi ngayon si Kris. Hindi naman daw ito preparation for an FHM magazine sexy pictorial.

In-offer-an na siya.

“Opo. Nung early June? Sabi ko, tanungin muna nila yung GMA Artist Centre. So tinanong nila yung Artist Centre, pumayag po yung Artist Centre. Tapos nung parents ko na, hindi na po pumayag, ayaw po.

“Ako din naman, kung ano ang desisyon ng parents ko, doon ako,” deklara niya.

Bakit siya mismo ay ayaw niya?

“Ayoko. Feeling ko hindi pa ito yung time, e. May oras dun, e. Kasi ngayon kumbaga… sa danceserye nga yung role ko hindi rin naman sexy.

“Tsaka maganda yung nakikita lang nila akong sexy sa ‘Party Pilipinas,’ yung paminsan-minsan lang, ganun,” sey pa niya.

***

SA PARTY Pilipinas nu’ng Linggo, July 17, isang espesyal na production number ay pinagsama-samang mag-perform ang new generation of stars na kinabibilangan ng mga anak ng mga artista.

Unang nag-perform sa isang song number sina Kylie Padilla (na anak nina Robin Padilla at Liezl Sicangco); Yssa Alvarez (na anak ng basketball player na si Paul Alvarez at artistang si Almira Muhlach); at si Janine Gutierrez na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Ang sumunod namang performance ay ang pagsasayaw nina Lexi Fernandez (anak ng character actress na si Maritoni Fernandez) at Winwyn Marquez na anak naman nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Sinundan ito ng isa pa ulit na song number, this time featuring Ynna Asistio (anak nina Nadia Montenegro at dating Caloocan City Mayor na si Boy Asistio) at si Jessica Alarcon na anak naman ni Jestoni Alarcon, na ipinakita sa audience na may hawak na video camera at excited and proud na kinukunan ang anak.

Huling nag-perform in yet another dance number sina Gaby Garcia (anak ng character actor na si Emilio Garcia) at Gianna Revilla na anak naman nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado.

Senyales lang na nandito na ang bagong henerasyon ng mga sisikat sa showbiz na anak din ng mga artista.

Tsuk!

***

BONGGA talaga ang Mocha Girls dahil makakasama nila sa show si Jennifer Lopez (JLO) at si Pitbull sa September sa Dubai.

Ang importante sa international show ay hindi ‘yung gaano ka kasikat sa Pilipinas kundi kung gaano ka kagaling. Meaning, pang-international ang quality ng performance ng Mocha kaya pasok sa banga. Kasama nila ang Southborder na representative ng Pilipinas sa naturang show.

Magtatanghal sila sa MEYDAN DUBAI kung saan doon nag concert si Elton John, Santana, Sting.

Masayang-masaya ang Mocha Girls sa magandang pagkakataon na dumating sa kanila at makasama ang mga international singers.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply