Kris, Diether naghahanap ng ng bahay na titirhan?

MISMONG si Diether Ocampo ay umaaming magkasama sila ni Kris Aquino na naghanap ng bahay noong isang araw. Nagpalagay ang mga tsismoso na magli-live in na’ng dalawa dahil nga sila na raw sa ngayon. Na siyempre, tinawanan lang ni Diether dahil nga biktima lang daw sila ni Kris ng tsismis.

“Ah, ‘yun?” paliwanag pa niya. “Kasi, alam n’yo naman, I live in Bacoor. Eh ang trabaho natin, mostly dito sa Quezon City. So, talagang naghahanap ako ng bahay dito. Nung nalaman niya, sabi niya, kung gusto ko raw, samahan niya ako. Kasi marami siyang kilalang real estate agents. But that’s about it.”

Siyempre, hindi maiwasang maitanong si Kris Aquino na na-link sa kanya nang magkasama sila sa pelikulang “Dalaw” last December.

Hanggang friendship na lang ba talaga sila?

“Mahirap pangunahan ang mga bagay-bagay. Mas maganda na hindi muna natin isipin. I’ll cross the bridge when I get there.”

Natanong si Diet kung siya ba ang binigyan ni Kris ng mamahaling wrist watch worth P2M bilang birthday gift.

“Baka naman hindi ako ’yun, kayo talaga. Sino ba ’yun? Wala, wala, wala akong natatanggap na ganu’n,” say niya.

Pero talagang zero nga raw ang lovelife niya. Si Rima Ostwani na’ng huli na naging kaibigan pa rin niya hanggang ngayon. Kahit nga raw si Kristine na dating asawa niyang pinakasalan ay kaibigan niya sa ngayon.

“Kayo naman, hayaan n’yo muna na mag-enjoy ako sa pagkabinata,” sabay halakhak pa niya. “I’m still waiting for a sign, for the right time, for the right one.”

Loveless na ise-celebrate ni Diether Ocampo ang kanyang kaarawan sa July 19 dahil after his breakup with Rima Ostwani last year, wala pa siyang ipinakikilalang bagong girlfriend na maipakikilala sa publiko.

“Isa lang naman ’yun sa mga wish ko. But of course, I also wish for good health, “And mahalaga (rin ang lovelife) because it gives you inspiration. And mahalaga siya for me dahil I think it’s very important na meron kang at least, focal point na ‘o, there’s this person who really inspires me’ but aside from that, there are a lot of people na nag-i-inspire sa akin,” pahayag ni Diet.

“Ang maganda ru’n, it made me a better person, nalaman ko kung saan ako nagkulang. And hopefully, if the right person would come, du’n, maibibigay ko na talaga ang sarili ko nang buong-buo at walang pagdududa.”

Inamin ni Diet na ipokrito siya kung hindi niya aamining nainggit siya sa pagse-settle down ng ex-wife niyang si Kristine Hermosa.

Basta sa ngayon daw, mas gusto niya na mas makapag-share siya ng blessings sa less fortunate natin dahil mas fulfilling daw ang pakiramdam na nakapagbabago ka ng buhay ng tao.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang K.I.D.S. (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation na itinayo ni Diet at nakatakda niyang i-launch ang Diether Ocampo Charity Golf  Tournament na gaganapin sa Tagaytay Highlands sa July 21.

Napapanood din siya sa “Guns and Roses” sa primetime slot ng ABS-CBN with Bea Alonzo and Robin Padilla at kasama rin siya sa indie movie na “Rakenrol,” na showing naman sa Aug. 10 sa mga sinehan.

***

Let’s get sexified!

DALAWANG importanteng event ang idaraos ngayong araw na ito, Sunday, July 17, una yung grand finals ng Sexy King And Queen sa Angeles City where this columnist would judge. Gaganapin ito sa Oxford Hotel sa Angeles City. Naimbitahan tayo ng mga organizers to be a judge at noong pre-pageant nila sa Robinson’s, also in Angeles, isa rin tayo sa kinuha nila to judge. Puro maganda at guwapo ang mga candidates na nahirapan kami talaga to proclaim kung sino finally ang winner.

Pangalawang event yung pictorial ng Hataw Superbodies Bikini Open na gaganapin naman sa UK Resort in Sta. Cruz, San Simon, Pampanga. Mr. Louie Gamboa  of Erase Plantcenta fame owns si placce na isa sa mga producers sa darating na Hataw Superbodies Bikini Open which will have its finals sa September 6 sa Metro Bar at West Avenue in Quezon City.

World class at maraming amenities ang naturang lugar kaya talagang ipinagmamalaki ito ng owner mismo na si Mr. Louie.

Anyway, twenty pairs of sexy and gorgeous men will vie for the Hataw Superbodies grand winners.

And on July 19, sa Metro Bar din gaganapin ang sexiest event na Sexiest Men In the City. This is produced by Binary Entertainment Premier Koncepts, to be hosted by John Lapuz. Special guests sina Gerald Santos at Paulo Avelino.

For ticket inquiries call Genesis Gallios at 090158464429 or 09293161829.

See you there and get sexified by 24 hunks from different cities, provinces and regions throughout the Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply