Kumukuha ng Pantawid Pasada cards matumal

SINABI ngayon ng isang opisyal ng Koronadal City na may posibilidad na isasauli nila sa national treasury ang bahagi ng pondong nakalaan sa Pantawid Pasada.

Ayon kay City Treasurer Eufrosino Enamarga, labis umano silang nagtataka dahl iilan lamang ang kumuha ng subsidiya ng gobyerno para
sa mga tricycle.

Sinabi pa ng opisyal na kung magpapatuloy ang sitwasyon na mangilan-ngilang benepisyaryo lang ang kumukuha ng kanilang fuel subsidy mapipilitan silang isauli na lamang ang nasabing Pantawid Pasada cards sa gobyerno.

Matatandaang bago sinimulan ang pamahagi nito, iniutos ni Mayor Peter Miguel na itaas sa 400 mula sa 200 ang target na mabibigyan ng ayuda
bawat araw.

Subalit mula nang sinimulan ang pamamahagi ng Pantawid Pasada noong Hunyo 22, hindi umaabot sa 100 ang kumukuha ng subsidiya bawat araw.

Ani Enamarga, may posibilidad na may maiiwan sa ibinabang pondo ng Pantawid Pasada na kailangang isauli sa pamahalaang nasyunal kung magsusumite na sila ng report of disbursement.

Gayunman, patuloy ang panawagan ng pamahalaang panglungsod sa mga transport franchisee at operator na kunin na ang kanilang fuel subsidy.

Aniya, nakatutulong pa rin naman ang P150 na fuel subsidy ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply