Kvitova kampeon sa Wimbledon

PABORITO man ng maraming tao si Maria Sharapova, hindi pa rin ito naging hadlang sa 21 taong gulang na si Petra Kvitova para durugin ang una.

Dahil natalo si Sharapova, itinanghal na kampeon si Kvitova matapos sikwatin sa kauna-unahang pagkakataon ang 6-3 6-4 win sa Wimbledon finals sa London Linggo ng umaga.

Ni minsan ay hindi pa nananalo si Kvitova sa event na ito at ang pinakamagandang nagawa niya rito ay noong isang taon kung saan nakapasok siya sa semi-finals.

Tuloy-tuloy ang mga atake niya at dahil sa kaliwete ay nahirapan si Sharapova,

Si Sharapova naman na walang kahirap-hirap na nakapasok sa finals ay pinarusahan ng kalaban. Huli siyang naging kampeon noong 2004 kung saan 17 taong gulang pa lamang siya noon.

“I’m so happy,” wika naman ni Kvitova matapos gawaran ng titulo. “I was nervous but I had to focus on every point.”

Samantala, si Sharapova na sa sobrang dami ng endorsements at itinanghal na highest-paid sportswoman sa mundo ay nagpahayag na masaya na rin siya kahit na siya’y runner-up lamang.

“I’m very happy to be back here with the runner’s up trophy but I wanted the “big one” and I will be back and I hope to get it again one day,” wika ng magandang Russian star.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply