Lalaki pisak sa 2 trak

TIGOK ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos mahagip ng dalawang trak habang ang una ay tumatawid sa Caloocan City Sabado ng madaling araw, Hulyo 16.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang tinatayang nasa edad 30 hanggang 35, naka-puting t-shirt (Adidas) at maong na pantalon.

Dinala naman sa presinto sina Roy Mesa, 36, driver ng trailer truck (PUP-153) ng Meycauayan at Nicanor Joaquin, 31, driver ng Isuzu (CXF-914) ng Angat, kapwa sa Bulacan.

Base sa ulat, dakong 4:30 ng madaling araw, tumatawid sa C-3 Rd., Dagat-dagatan ng naturang lungsod ang biktima nang mahagip ng dalang trak ng mga suspek.

Agad na dinala ang biktima sa JRMMC habang hinabol naman at nadakip ng mga pulis ang mga suspek na kapwa itinatanggi na sila ang nakadale sa una.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply