Lalaking mahilig sa prosti madalas na makagawa ng krimen

MADALAS umanong makagawa ng krimen ang mga lalaking mahilig makipagtalik sa prostitute, ito ang pahayag kahapon ng isang research group mula sa United States.

Ayon sa kanilang pag-aaral, ang mga lalaking mahilig sa bayarang babae ay madalas na nakagagawa ng mga violent crimes laban sa kababaihan, partikular ang panggagahasa.

Base sa interbyu sa 202 kalalakihan ng grupong Prostitution Research and Education sa pangunguna ng isang clinical psychologist at anti-prostitution activist, ang mga mamimili at non-buyers ng commercial sex sa kanilang lugar ay hinati-hati nila sa edad, edukasyon at ethnicity.

Pinagkumpara nila ang pagkakilala nila sa kababaihan matapos boluntaryong pumayag sa nasabing research, at halos kalahati ng respondents ay mahilig umanong makipagtalik sa mga prostitute dahil ayaw nilang magkaroon ng commitment.

Ngunit napatunayan din nila na ang mga lalaking mahihilig sa mga prostitute ay ang mga taong madalas makagawa ng panloloko at maliliit na krimen, kasama na ang pananakit sa kababaihan, pang-aabuso, assault at panunutok ng patalim.

Ginawa ang pag-aaral upang alamin ang pag-uugali ng kalalakihang mahilig sa prostitute.

Tatlo sa apat na lalaking bumibili ng sex ang may attitude at behavioral problems kumpara sa mga hindi mahihilig makipagtalik sa mga prostitute.

Tatlo rin sa bawat apat na sex buyers ang umano’y natutong makipag-sex dahil sa panonood ng malalaswang palabas, samantalang 54 porsiyneto lamang ng non-buyers ang madalas manood ng sex video.

Wala rin umanong awa ang mga sex buyer sa mga prostitute, samantalang ang mga non-buyer ay gustong tulungan silang makaahon sa kanilang trabaho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply