Lalong nagpapa-sexy si KC para kay Papa Piolo

TIYAK na masaya ang araw ni KC Concepcion pagkagaling sa London, kung saa’y isang matagumpay na TFC concert ang kanilang pinuntahan with John Lloyd Cruz at Yeng Constantino, dahil ni-launch ang mega-daughter as Ambassador ng Plana Forma (isang klase ng matinding work-out to look good and in right form) two days ago rito sa atin.

Kaya naman pinangangatawanan na ni KC ang pagpapayat at tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang work-out dahil sa mabilis nitong pagbabawas ng timbang. Mas seksi si KC ngayon kumpara noong huli nitong pelikula with Sam Milby.

Tiyak na si papa Piolo (Pascual) ang nagsilbing kanyang inspirasyon to look better and sexier not only in the eyes of many, but with her one-and-ony Papa P.

—@@@—

ANO nga raw ba ang problema ni Deborah Sun kay Maja Salvador? Lagi daw kasing nababasa ng kampo ni Maja ang mga negatibong pinagsasabi ng dating aktres na dating nalulong sa ewan?

Minsan daw noong mainterbyu ito (Deborah) ng mga press at naitanong ang tungkol sa pamangkin ni kuya Ipe (Philip Salvador) na si Maja nga, sinabihan nitong hindi sisikat ang young actress dahil may attitude problem daw ito.

“Hindi naman sila magkakilala? Hindi naman sila nagkakausap? bakit niya sasabihang may attitude problem si Maja?” sumbong sa amin ng taong nagmamalasakit sa pretty teen actress.

Naghihintay lamang daw ng tamang oras at libreng panahon si Maja at isusumbong niyang lahat ang mga pambabatikos sa kaniya ni Deborah.

“Nagka-project lang, akala mo feeling-star na kung umasta. Naawa lang sa kaniya ang ABS kaya siya isinama sa teleserye, noh?” himutok ng taong nagsumbong sa amin sa ginagawang panlalait diumano ng me edad ng aktres sa batang aktres na balita’y kamag-anak din pala nito.

“Mabuti na lang at takot sa Diyos si Maja at ayaw niyang patulan ang mga matatanda,” huli nitong hirit sa amin.

—@@@—

MUKHANG nasungkit na ni John Prats ang matamis na “ooo” ni Bianca Manalo, co-host nito sa “Happy, Yipee, Yehey!” dahil namataan daw ng isang katotong lumabas sa sinehan ang dalawa sa Eastwood kung saan showing ang “Harry Potter.”

Nagtagumpay din ang actor-dancer na mapalapit sa kaniya ang beauty queen na sabi pa’y kanyang crush na crush.

Kahit pa malayo ang kanilang height, (age) or height doesn’t matter. Sabi nga ng mga oldies, sa gabi naman daw ay nagkakapantay-pantay na ito sa higaan.

Funny, but true!

Well, saan na naman kaya ang hantungan ng kanilang pagmamahalan saka-sakaling totoo ngang sila na?

Basta ang masasabi lang namin, mahilig si John sa mga babaing may katangkaran. Ito siguro ang kaniyang “fetish” (o libog ng katawan)?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply