Laman ng SONA ni PNoy

LIMANG tulog na lang, araw na ng State of the Nation Address ni PNoy.

Sa Hulyo 25, sa darating na Lunes na yan.

Mag-uulat sa bayan si PNoy kung ano-ano na ang kanyang nagawa sa nakalipas na isang taon.

Hindi rin masama na magsasabi ito ukol sa kinabukasan, sa mga susunod na taon hanggang sa kanyang pagba-ba sa 2016.

Hindi kasi magandang tingnan na hanggang isang taon lang ang programang pampamahalaan.

Walang kaibahan yan sa ningas-kugon na lumagablab man ay panandalian lamang.

oOo

Hangga’t maaari, ang anim na taon ang gagawin niyang pundasyon ng pamahalaan para sa  susunod pang mga administrasyon at henerasyon ni Juan.

Yan ay kung maaabot ng kanyang utak at utak ng kanyang mga tsuwariwap kahit man lang ang utak na iniwanan ni Manong Ferdie.

Tingnan ninyo, ang LRT na pasimula ng modernong transportasyon at ang CCP complex na pinakikinabangan ni Juan ay salamin ng malawak na kaisipan.

Ang paggawa ni Manong Ferdie ng mga naglalakihang dam para sa irigasyon,  palayan at kuryente ay tanda ng mga pangkinabukasang kapakinabangan.

Meron bang ganito sa kukote ni PNoy?

oOo

Oo nga at gustong-gusto ni PNoy na may makulong na mga korap para magsilbing leksyon sa lahat ng mga nanunung-kulan sa repablik ni Juan, kaiba pa rin ang paghahanda ng buong bansa para sa maaliwalas na bukas.

Pero isa lang yan sa dapat nitong gawin para maging saksespul ang pamahalaan at si Juan.

Nasaan ang mga pagkilos nito laban sa kontraktuwalisasyon at kawalan ng empleyo na bumibiktima ng milyones na obrero?

Ang laban sa mahal na langis, kuryente, bilihin, tubig at ospital na nagiging kalbaryo ng lahat, nasaan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply