LRA building sa Quezon City nasunog

TINUPOK ng apoy ang tanggapan ng Land Registration Authority (LRA) sa NIA Rd., Quezon City Biyernes ng tanghali.

Halos mag-panic ang mga empleyado ng naturang opisina na mabilis na lumabas mula sa nasabing gusali.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, na agad naapula ng mga rumespondeng pamatay-sunog ng Bureau of Fire Protection (BFP) makalipas ang kalahating oras.

Napag -alaman ng Remate na kasalukuyan pang iniimbestigahan ng arson probers ng BFP ang pagkasunog ng LRA office dakong 1:00 ng hapon.

Wala namang naiulat na nasagutan o nasawi sa nasabing sunog dahil na rin sa maagap na pagresponde ng mga pamatay-sunog sa lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply