Lasing na sapatero nahulog sa estero, dedo

PATAY na nang matagpuan ang isang 52-anyos na sapatero matapos na malasing at mahulog sa estero Biyernes ng umaga sa  Port Area, Maynila.

Nakitang palutang-lutang sa karagatan ng Pier 13, South Harbor, Port Area ang biktimang si Gregorio Telve, residente ng Aroceros St. sa Ermita, Maynila.

Ayon kay PO2 Ramoncito Tolentino, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section. ganap na alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima noong Miyerkules ng gabi, Hunyo 28, nang dumating ito mula sa kanyang paghahanapbuhay.

Niyaya umano itong makipag-inuman ng ilan niyang mga kakilala at kabigan at nang maparami ng inom ay nagpasyang umupo sa gilid ng estero.

Posible umanong napaidlip ang biktima sa kalasingan at bumagsak dahilan upang ito ay tuluyang mahulog sa estero at tangayin ng agos.

Tinangka pa itong sagipin ng mga residente at tauhan ng Philippine Coast Guard subalit hindi na ito natagpuan pa hanggang sa makita na lamang palutang-lutang sa Pier 13.

Dinala na ang biktima sa St.Harold Funeral Parlor para sa autopsy at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply