Late na pagbibigay ng pardon sa presong may cancer, pinaiimbestigahan ng Malakanyang

INAALAM na ng Malakanyang kung bakit nahuli ang pagbibigay ng clemency kay Mariano Umbrero, preso na binigyan ng pardon dahil sa sakit na cancer pero namatay din sa loob ng kulungan gayong Hulyo 15 pa nang pirmahan ang conditional pardon nito.

Inamin ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na walang nag-inform sa Office of the President sa pagpanaw ni Umbrero.

“Unang-una muna, gusto nating ipaabot yung ating pakikiramay sa mga naiwan niya. And, we find it deeply unfortunate na nagkaroon ng supervening event. Ngayon, tinitingnan natin yung closer coordination doon sa ganitong mga kaso. And sana, yung naibigay na clemency sa kanya ng Pangulo, kahit dumating  pagkatapos ng kanyang pagpanaw, sana kahit

konti, kahit papaano, kahit kakarampot ay maibsan yung pagdadalamhati nung kanyang mga naiwan,” ayon kay Usec. Valte.

Hindi man direktang sinabi, subalit malinaw na inamin ng Malakanyang na may nagkulang sa bahaging iyon.

Nauna rito, ibinalita mismo ni Pangulong Benigno Aquino III na bibigyan niya ng maagang pamasko ang isang preso na may cancer na hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.

Sa isang panayam, sinabi ng Chief Executive na noong nakaraang linggo ay mayroon na siyang pinirmahan na dokumento na magpapalaya sa naturang preso.

Nauna rito, masusi naman niyang pinarerebisa ang kaso ng mga bilanggong  babae sa New Bilibid Prison (NBP) na nakatakda niyang bigyan ng pardon  sa Disyembre.

“Sa Bilibid po ang unang hinarap sa akin, kaya pinapa-review ko nga po lahat eh,” anito.

Sinabi niya na inaayos lamang niya ang sistema na magkaroon ng konsiderasyon sa mga bilanggong nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.

Sa ibang lugar aniya, kapag sinabing life sentence ay talagang habambuhay na pagkabilanggo dahil sa Pilipinas aniya ay ang kahulugan ng life sentence ay 40 taon.

“Kapag umabot ka ng 70 (taon) ay baka hindi mo na i-serve. Uulitin ko lang po, maski hindi ka umamin ng kasalanan, maski hindi ka magpakita ng

pagsisisi, iyong ginawa mo, dini-discount ka na kaagad sa iyong service,” anito sabay sabing

“So, parang paano naman po iyong mga biktima. At saka may obligasyon ako..hindi lang iyong kapakanan, pagbalik nila sa lipunan,” ayon sa Pangulo.

Samantala, inamin ng Pangulo na banta sa lipunan ang mga bilanggo lalo na iyong mga may mabibigat na kaso.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply