Laurice Guillen madaling ma-provoke at magalit

MAY nagsayaw daw nang topless sa lobby ng Cultural Center of the Philippines nung Biyernes ng gabi, July 15, para i-promote daw ang pelikulang “Maskara,” ayon sa “Scoop” section ng entertainment website na PEP.

Bits and pieces lang ang laman ng section ng nasabing website, at walang gaanong detalyeng ipinahayag. Hindi naman siguro mga lalaki ang dancers na naka-topless, dahil hindi naman big deal na mag-alis ng pang-itaas ang mga lalaki. Maski nga sa folk dance natin na maglalatik, naka-topless ang mga lalaki at mga bao lang ng niyog ang nakatakip sa mga utong nila. Malamang ay mga babae ang dancers na pinapatungkulan kaya ibinabalita yon bilang “scoop.” Hindi naman beerhouse ang CCP, kaya shocking kung may topless female dancers du’n.

At kung totoong promo yon para sa Maskara, aba, mukhang destined na maging kontrobersyal ang pelikula. Kontrobersyal, at least sa PEP.

Ang Maskara ang opening film ng 7th Cinemalaya Philippine Independent Film festival. Ito’y sa direksyon ni Laurice Guillen, ang competition director ng festival. Madali lang palang ma-provoke na magalit ang magiting na actress-director.

Na-provoke siya ng isang reporter-contributor sa PEP na magalit sa amin. Opo, sa amin particularly.

Sinabi kasi ng magaling na reporter kay Laurice na pinagbibintangan namin siya na walang delikadesa dahil sa pagpayag n’yang maging opening film ang pelikula n’ya gayung isa siya sa top Cinemalaya executives.

Actually, ang isinulat namin sa kolum namin sa isang tabloid ay BAKA MAPAGBINTANGAN siyang walang delikadesa. Hindi namin siya pinagbintangan.

Non-competing film naman ang Maskara, at hindi ito subsidized ng Cinemalaya. Binanggit naman namin sa aming kolum na marahil yon ang dahilan kung bakit pumayag si Laurice na gamitin ang pelikula n’ya bilang pambungad na handog ng festival (at “handog” talaga yon in the real sense of the word) dahil libre yon sa opening day audience.

Pero parang hindi binanggit ng magaling na PEP contributor kay Laurice ang lahat ng pasubali namin, kaya, hayun, nagalit ang mahusay na direktora sa amin. Baka raw we don’t know what we’re talking about, banat umano  ni Direk Laurice sa amin, ayon sa magaling na reporter.

Of course, we knew what we were talking about. It is posible that it was that great reporter who did not know what he was doing in that press conference where he interviewed Laurice. May feeling kami na sa kanya talaga nainis si Direk Laurice dahil out-of-order, out-of-place ang mga tanong n’ya tungkol sa Cinemalaya –dahil yung press-con na yon ay para sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang “Reputasyon,” kung saan isa si Laurice sa miyembro ng cast (at kung saan pangunahing bituin sina Cristine Reyes at ang real-life boyfriend n’yang si Rayver Cruz). Mas appropriate na tanungin si Laurice tungkol sa Cinemalaya, kung saan siya ang competition director, sa isang Cinemalaya press-con.

Pero ngayong ibinuyangyang namin dito ang “Scoop” report ng PEP tungkol sa umano’y pagsasayaw nang topless dancers bilang promo para sa Maskara, ewan lang natin kung kanino magagalit si Direk Laurice: Sa amin ba o sa PEP? Don’t shoot the messenger, sabi nga ng mga imperyalistang Kano.

Bigla kayang sumugod kay Laurice ang magaling na reporter na yon at i-quote kami na umano’y nag-scoop na may topless female dancers na nag-promote ng Maskara sa CCP? Aba, the height yon, ‘ika nga! The height of you know what!

Oo nga pala July 15 mismo lumabas sa PEP ang artikulo ng magaling na reporter na yon tungkol sa umano’y bintang namin kay Laurice. May label pa nga yon na “HOT.” Andun pa rin ang interview as of July 16. On the same day, lumabas naman yong “scoop” tungkol sa pagkakaroon ng topless female dancers sa CCP nung opening night ng Cinemalaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply