Letran Knights sasabay sa Stags sa liderato sa 87th NCAA basketball

PUNTIRYA ng San Juan de Letran na makisasyo sa No. 1 position sa San Sebastian College Recoletos sa NCAA basketball tournament sa pakikipagharap sa Arellano University Chiefs sa The Arena sa San Juan City, Sabado ng hapon, Hulyo 16.

Tangan ang malinis na 2 panalo aangat sa 3-0 ng San Sebastian Collge Stags ang Muralya-based team ni coach Louie Alas na inaasahang magbibigayan ng mahigpit na laro laban sa Chiefs batay sa 76-65 na panalo sa Mapua Cardinals noong Hulyo 2 at ang pagtambak sa host Perpetual Help Altas sa ikor na 74-43 noong Hulyo 3.

Tatangkain naman ng Lyceum Pirates na maiangat sa 3 ang panalo laban sa Emilio Aguinaldo Generals na may pantay na 1-1 win-loss slate. Sisikapin ng Generals na makabawi sa 60-76 na pagkatalo sa Jose Rizal University Heavy Bombers noong Miyerkules.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply