LGUs dapat gumamit ng geohazard maps– DENR

UMAPELA ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga lokal na pamahalaan na gumamit ng mga geohazard map at magpatupad ng mga mahahalagang aksyon tuwing may kalamidad para mabawasan ang mga trahedya na naglalagay sa panganib sa mga mamamayan at upang maiwasan o mabawsan ang pinsala sa mga ari-arian.

Ayon sa DENR, dapat na matutukan rin ng local government unit (LGU) ang mga mas nangangailangan ng rehabilitasyon at ang mga lugar na dapat magkaroon ng mabilisang evacuation.

Inihayag ni Environment Secretary Ramon Paje ang kanyang pangamba sa mga ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na malalakas na ulan ang inaasahan hanggang Setyembre kahit katatapos lang ng La Niña nitong Hunyo.

Sa isang panayam naman kay Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, sinabi nito na ang tag-ulan ngayong 2011 ay may kasabay na epekto ng La Niña, na nangangahulugan ng mas madaming ulan kaysa ordinaryong buhos lamang.

Nirekomenda naman ni Paje sa mga lokal na pamahalaan na ipagbawal na ang pagtatayo o pagtira sa mga lugar na mataas ang antas ng pagbabaha at pagguho ng lupa na idineklara ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply