GMA makalulusot sa PCSO fund mess – Enrile

HINDI pa malinaw kung may pananagutan o wala ang dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa pagkakasangkot ng pangalan nito sa umano’y anomalya sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, hindi pa niya masabi sa ngayon kung “liable” ba o hindi ang dating Pangulo kaugnay ng pagkakasangkot nito sa natuklasang anomalya sa PCSO.

“I don’t know whether she’s liable. I cannot say yes or no,” ani Enrile.

Nakaladkad ang pangalan ni Arroyo sa testimonya ni dating PCSO general manager Rosario Uriarte, na umaming inaprubahan nito ang malaking halaga ng intelligence fund na ginamit bilang proteksyon sa small-town lottery (STL), pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at “blood money” para iligtas ang ilang overseas Filipino worker na nahaharap sa kaso sa Saudi Arabia.

Naungkat na rin sa imbestigasyon ng Senado ang pagkakaloob ng PCSO ng pambili ng mga mamahaling sasakyang ibinigay sa ilang obispo ng Simbahang Katoliko.

Inamin ni Enrile na hindi mapipilit ng Senado si Arroyo na dumalo sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa naturang kontrobersiya dahil kasalukuyang miyembro ng Kamara de Representantes ang dating Pangulo.

“She is a member of Congress. We cannot ask her to appear in our hearing out of parliamentary courtesy,” ayon kay Enrile.

Matatandaang nakaladkad ang pangalan ni Arroyo sa naging testimonya ni dating PCSO general Manager Rosario Uriarte sa Senado matapos nitong aprubahan ang malaking halaga ng intelligence fund na ginamit bilang proteksyon sa small town lottery, pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at blood money para iligtas ang mga overseas Filipino workers na nahaharap sa kaso sa ibang bansa.

Para naman kay Sen. Franklin Drilon, dapat suriin ng Ombudsman ang mga pahayag ni Uriarte kung ano ang maaaring pananagutan sa batas ni Arroyo.

Naniniwala si Drilon na masyadong “damaging” kay Arroyo ang mga pahayag ni Uriarte kaya’t dapat siyasatin ng Ombudsman ang puno’t dulo upang makasuhan ng plunder ang dating Pangulo kung kinakailangan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply