Libong pukyutan umatake: 4 paslit, 3 ginang pinapak

ISINUGOD sa hospital ang isang estudyante ng Grade 1 level habang tatlong paslit at tatlong ginang pa ang nagtamo ng sugat makaraang makagat ng umatakeng libu-libong pukyutan sa City Central School, Cagayan de Oro City, Biyernes ng Hulyo 8.

Ayon kay asst. school Noe Macabudbod, galing sa isang Indian tree ang mga pukyutan subalit bigla itong nagambala kaya napilitang lumipat sa kalapit na punongkahoy dahilan upang makagat ang ilang mag-aaral at kanilang mga magulang.

Nabatid pa kay Macabudbod, pansamantalang suspendido ang klase sa naturang paaralan hangga’t hindi pa naaalis ang mga pukyutan malapit sa silid-aralan ng mga bata.

Nakatakda ring makipag-coordinate ang naturang eskuwelahan sa Department of Environment ang Natural Resources kung ano ang dapat gawin sa mga pukyutan na nasa compound mismo nila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply