Libreng edukasyon sa may kapansanan, inihain sa Senado

HINIKAYAT ni Sen. Loren Legarda ang Kongreso na pagtibayin ang isang panukalang batas na magbibigay ng libreng edukasyon sa mahigit 9 na milyong kabataang may kapansanan upang maitaguyod ang kanilang pakikisalamuha sa lipunan at bigyan sila ng oportunidad.

“Mahigit siyam na milyong Filipino ang dumadanas ng iba’t ibang kapansanan, at kapos ang pamahalaan na suportahan sila kahit sa pangunahing karapatan tulad ng libreng edukasyon sa Kabataan na may kapansanan,” giit ni Legarda.

Tinaya ng World Health Organization (WHO) na umaabot sa 10% ng Pinoy ang namumuhay sa ilang porma ng kapansanan kabilang sa kanila ang taong may autism, bulag, bingi, pipi at pilay.

“Disability also disproportionately afflicts the poor due to various environmental factors that they are exposed to, and that is why we need the government to step in and provide support for this highly disadvantaged and vulnerable group who cannot afford specialized education. We cannot rely solely on the remarkable efforts from cause-oriented groups and charitable organizations that aid children with disabilities,” paliwanag niya.

Tinukoy pa ni Legarda ang isinagawang pag-aaral ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific na umaabot lamang sa dalawang porsiyento sa kabuuang bilang ng mga kabataan na may kapansanan ang nag-aaral sa pormal na institusiyong pang-edukasyon.

Base sa Senate Bill 1427, ginagarantiyahan nito ang kaparatan sa edukasyon ng lahat ng may kapansanan at lilikha ng Special Education Center sa lahat ng lalawigan, lungsod at munisipalidad upang magbigay ng libre at kaaya-ayang pre-elementary at elementary education sa lahat ng kabataan na may kapansanan.

Tungkulin ng Sentro na ihanda ang kabataan na may kapansanan sa integrasyon sa ibang bata kapag pumapaloob na sila sa mas mataas na antas ng edukasyon.

Inaatasan ng panukala ang Department of Education sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development na tukuyin ang programa na angkop sa kakayahan ng kabataan na may kapansanan.

“A vast majority of persons with disabilities are not able to acquire even elementary school education, making it more difficult for them to contribute financially to their families. It should be national policy that we harness future talents and guarantee opportunities for our fellow Filipinos who are disadvantaged by lifelong impairments,”  patapos niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply