Libreng seminar sa pangkabuhayan hatid ng DTI

PATULOY na hinihikayat ng pamahalaan ang mga mamamayan na magnegosyo sa halip na mamasukan para magkaroon ng kabuhayan. Kung mapapalago ang mga negosyong bulilit, lalaki ang oportunidad sa trabaho sa bansa.

“Maraming tayong programa, isa na rito ang SME (Small and Medium Enterprises) Caravan. Iniikot natin sa bansa ‘yan at nagbibigay tayo ng libreng seminar. Tinuturuan natin kung paano magnegosyo, kung ano ang inenegosyo at mayroon pang technical skills training,” ayon kay Trade and Industry Secretary Gregory Domingo.

Sa pagbubukas ng SME Week, simula ngayon, Biyernes hanggang Sabado, Hulyo 9-10, panawagan ni Domingo sa madla, lumahok sa libreng enterpreneurship briefing sessions sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Sa mga taga-Mega Manila, magsadya sa Philippine Trade Training Center (PTTC) at makilahok sa training seminars mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali sa mga sumusunod na talakayan: (1) Paano magsimula ng negosyo; (2) Pagpapaliwanag sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBE) Law; (3) Product Standards Law (o mga pamantayan sa produkto); (4) Karapatan at proteksyon sa mamimili; (5) Paano makakakuha ng Food and Drug Authority Certificate; (6) Paano magagamit ang internet sa pagnenegosyo; (7) Paano magtatayo ng laundry business o pagnenegosyo sa pamamagitan ng paglalaba; (8) Paggawa ng pabango; (9) Paggawa ng herbal soap; (10) Meat processing o paggawa ng tosino, longganisa at luncheon meat; at (11) Paggawa ng mga kwintas at iba pang accessories gamit ang beads.

Mula naman 1:00 hanggang 5:00 ng hapon, ang mga sumusunod na topics naman ang ihahandog ng DTI free seminar:  (1) Integrated business licensing; (2) Seminar sa Halal certification o pagsesertipika ng mga produktong Halal; (3) Cleaner production; (4) Packaging design at labeling; (5) Product design awareness; (6) Pagrerehistro ng patents, trademarks and trade names; (7) Laundry and cleaning aids; (8) Paggawa ng siomai at iba pang meat processing products; at (9) Gift-wrapping.

Bukod sa mga nabanggit na paksa, tatalakayin din buong maghapon ang paghilot at kung ano ang mga hakbang para makinabang nang husto sa paghihilot.

Sa Sabado, Hulyo 9, ang maghapong pag-uusapan sa briefing session ay ang basic photography at flips-flops (sandals) making.

Kasama din sa morning session ang mga sumusunod: (1) Pagpapatakbo ng money-changing shop; (2) Mga programa sa pag-pagpopondo at pagpapautang para sa negosyo; (3) Paano magsimula ng negosyo; (4) Food safety o pagtiyak ng kalinisan sa pagkain at kaligtasan ng mamimili; (5) Paggawa ng siopao at dimsum; (6) Paggawa ng mga cakes na hindi na kailangan lutuin (No-Bake); at (7) Paggawa ng polvoron at pastillas.

Sa hapon, pag-uusapan naman ay ang mga sumusunod: (1) pagbili ng prankisa (o negosyong pinaprankisa gaya ng mga fastfood); (2) Pagpapaupa ng apartment o puwesto; (3) Paggawa ng pabango; (4) Paggawa ng mga produktong gamit ang bead; (5) Cleaning aid; (pag-aayos o arrangement ng bulaklak at lobo); at (6) Paggawa ng empanada at pizza roll.

Maaring magbago ang iskedyul kaya pinapayuhan ang lahat ng mga interesadong matuto sa briefing session na tumawag sa DTI-Bureau of Micro, Small & Medium Enterprise Development (DTI-BMSMED) sa numerong 897-1693 at 751-5076.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply