Lider ng ‘agaw-cellphone gang’ nadakip

ISANG hinihinalang lider ng notorious na “agaw-cellphone gang” na madalas na nambibiktima ng mga pasahero sa SLEX Bicutan Taguig-Parañaque bus terminal boundary ang nadakip ng Skyway Traffic Enforcer Huwebes ng umaga matapos na mahagip ang mga ito ng CCTV na nagsasagawa ng kanilang modus operandi sa nabanggit na lugar.

Walang kawalang binitbit ni Skyway Police Officer Pedro A. Agleron ang suspek na nakilalang si Jojieniel Liporada, 18, walang hanapbuhay at nakatira sa Barangay North Daang Hari, Taguig City ng makita ito sa CCTV na pinagnakawan ng cell phone ang mga biktima at mabilis na ipinasa iyon sa iba pang mga kasabwat.

“Nakamonitor sa CCTV ang nangyayaring kaganapan sa paligid kaya natukoy ko agad ang salarin,” aniya.

Sa ipinakitang ebidensiya ni Agleron sa mga kapwa awtoridad, mistulang pelikula ang napanood ng Police Community Precinct (PCP) 3, Parañaque City ang ginawang pagdukot at pagpasa-pasa sa mga cell phone ng mga biktima na nakilalang sina Fernando Pasion Marfori, 46, nakatira sa Brgy. Sanggandaan, Quezon City, Jumar M. Buitas, 24, nakatira sa Laura Drive, Brgy. Bagumbayan, Taguig City at Ryan M. Tolentino, 32, nakatira sa Brgy. Sto. Rosario, bayan ng Hagonoy, Bulacan.

Nabawi mula sa ikinulong na kawatan ang mga cell phone unit na Torque VX75, Nokia 1200 at LG CEO 16F habang sinisikap naman ng mga awtoridad na mahuli ang iba pang nakatakas na kasabwat nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply