Liderato ni Gen. George Regis masusubok

KUNG ilang beses na rin nating tinalakay ang tungkol sa kahibangan ng dalawang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) na isinusumbong ng mga kapwa rin nilang matitinong pulis.

Ngunit lumipas ang maraming pamunuan ng CPD sa nakaraang halos dalawang dekada, walang resulta tayong nakita para madisiplina sina SPO1 Rolly Hernandez at PO3 Jinecito Acenas.

Sangkaterba ang reklamo sa mga pulis na ito dahil bukod sa umano’y ‘ghost cops’ na ay pinaparatangan pang ‘protectors’ o operators ng gambling dens sa iba’t ibang sulok ng lungsod ni Mayor Herbert Bistek Bautista.

Kalat sa buong QCPD,  ayon sa mga nakausap nating mga matitinong pulis-QC, ang pagiging ‘ghost cops’ nina Hernandez at Acenas dahil nakikita lamang ang mga ito tuwing ika-15 at 30 ng buwan.

Ibig sabihin, pumapasok lamang ang mga ito sa mga petsa na yan dahil araw ng suweldo at kapag sila’y may importanteng ‘sasabihin’ o ‘ibibigay’ sa  mga superior kung saan sila nakatalaga.

Sa mga unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang sangay ng PNP, ‘open-secret’ ang involvement ng dalawang ito sa sugalan sa QC.

Pero ang nakapagtataka, bakit ‘di kumilos ang mga nakaraang liderato ng QCPD para masupil ang tinatahak na baluktot na daan ng dalawang pulis na ito. Ano ba ang ‘milyong’ dahilan, haaaa?

At sa pagtatalaga kay C/Supt. George Regis bilang director ng QCPD, nabuhay ang pag-asa ng mga nagsusumbong sa ating mga pulis ukol sa kalokohan ng dalawa nilang kasamahan na ito.

Si Gen. Regis ay kilala ng Chokepoint dahil ito’y nakasama ng inyong lingkod ng maraming taon nang siya’y naka-assign sa QCPD at humawak ng maraming puwesto noong 1990’s.

Nang panahon na iyan, tayo ay Pangulo ng samahan ng mamamahayag na Central Police District (CPD) Press Guild na nakabase noon sa Camp Tomas Karingal kung saan matagal na nanungkulan ang heneral.

Nasubaybayan natin ang maayos na panunungkulan ni Gen. Regis at maaaring mabasura sa kangkungan sina Hernandez at Acenas

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply