‘Habambuhay’ sa 19 ASG men kinatigan ng SC

PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Court of Appeals noong Nobyembre 2008 na nagpapataw ng habambuhay na pagkabilanggo sa mga miyembro ng Abu Sayyaf na sina Khadafy Janjalani, Aldam Tilao at 17 iba pa.

May kinalaman ang nasabing kaso sa pagdukot sa mga nurse na sina Ediborah Yap, Sheila Tabunag at Reina Malonzo at sa hospital accountant na si Joel Guillo noong Hunyo 1, 2001 sa Jose Maria Torres Memorial Hospital sa Lamitan, Basilan.

Sa 14-pahinang desisyon na pinonente ni Associate Justice Diosdado Peralta, mas binigyan ng bigat ng Korte Suprema ang positibong pagkilala ng mga testigo sa mga nasabing akusado kaysa sa pagtanggi at alibi ng mga akusdo alinsunod na rin sa umiiral na jurisprudence o nauna nang kautusan ng Korte Suprema.

Nakasaad din sa nasabing desisyon na nabigo ang mga akusado na magharap ng sapat na ebidensya na magpapatunay na imposible para sa kanila na maging physically present sa pinangyarihan ng krimen nang iyon ay maganap.

Sa naunang desisyon ng Court of Appeals, pinatawan nito ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang mga akusado matapos mahatulan ng guilty sa kasong kidnapping at serious illegal detention with ransom. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply